Unahan sa pedestal ang Beermen at Katropa

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

 

PATAS ang serye, walang tulak-kabigin sa husay at determinasyon ng San Miguel Beermen at TNT Katropa.

PILIT nilusutan ni Terrence Romeo ng San Miguel Beer ang depensa ng TNT Katropa sa kainitan ng laro sa Game 4. Tabla ang serye sa 2-2 ng Commissioners Cup. (TRISTAN ESPIRITU)

PILIT nilusutan ni Terrence Romeo ng
San Miguel Beer ang depensa ng TNT Katropa sa kainitan ng laro sa Game 4.
Tabla ang serye sa 2-2 ng Commissioners Cup. (TRISTAN ESPIRITU)

Ngayong naibaba ang serye sa best-of-three, asahan ang mas mahigpitang angklahan sa isa’t isa sa palarga ng Game 5 ngayon sa PBA Commissioners Cup best-of-seven Finals sa Araneta Coliseum.

Nakatakda ang duwelo ganap na 7:00 ng gabi.

Naitabla ng Beermen ang serye sa matikas na 106-101 panalo sa Game 4, kung kailan nagdiriwang ang Katropa sa nakamit na individual Awards para kina Players of the Conference Jason Castro at Best Import Terrence Jones.

Sa naturang laro, maagang nakontrol ng Beermen ang tempo at naisalba ang anumang pagtatangkang makabalikwas ng Katropa.

Nanguna sa ratsada ng Beermen si import Chris McCullough.

‘When we get the lead, we gotta make good plays and take care of the ball. Just make good plays to hold our lead,” pahayag ng Beermen reinforcement na nagtala ng 27 puntos,22 rebounds, apat na assists at tig-isang steal at block.

Bukod dito, inaasahan ding pananatilihin nila ang pagiging aktibo ni Fajardo sa opensa na hindi nila nagawa sa unang tatlong laro ng serye.

“June Mar was able to play comfortably inside, and that’s what we need from him,” sambit ni SMB coach Leo Austria.

“When we won the five-peat or the seventh championship, he’s the priority in the shaded area for the perimeter shooter to be open and can create on their shot. And that’s what happened.”

Sa panig ng TNT, nangako silang babawi partikular si Jones matapos masayang ang itinala niyang 32 puntos, 16 rebounds at anim na assists.

“So, you know, for us we just got to get fresh, find a way to come back on Wednesday, and make a series,” ayon kay TNT consultant Mark Dickel.

-Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7:00 n.g. — TNT vs San Miguel