UFC 241: Cormier vs Miocic

Filed under MMA, UFC Balita RSS RSS Feed

ANG pinakaaabangang rematch sa pagitan ng dalawang premyadong heavyweights na sina defending champion Daniel Cormier at Stipe Miocic ay magaganap sa main event ng UFC 241 sa Agosto 18 sa Honda Center sa Anaheim, California.

REMATCH nina Cormier at Miocic sa Fox+

REMATCH nina Cormier at Miocic sa Fox+

Matapos ang isang taong paghihintay, muling masasaksihan ng MMA fans sa Pilipinas at sa buong mundo ang hatawan ng dalawang pinakamatikas na fighters.

Sa kanilang unang paghaharap sa UFC 226, naitala ni Cormier ang impresibong knockout win kay Miocic. Makabawi kaya ang challenger? o makaulit ang kampeon?

Isa sa crowd-drawer ng pamosong MMA Promotion, si Cormier ay dating Olympic wrestler at mixed martial artist ng UFC na kasalukuyang No.1 pound-for-pound at heavyweight fighter sa mundo. Isa siya sa apat na fighters na nakapagwagi ng dalawang division title sa UFC.

Hindi pahuhuli ang Croatian-American na si Stipe, tinaguriang “Stone Cold”, bilang dating UFC heavyweight world champion.

Mula noong 2011, sentro ng atensyon sa UFC si Miocic na nakapagtala ng panalo sa matitikas ring fighters tulad nina Joey Beltran, Gabriel Gonzaga, at Andre Arlovski. Nakamit niya ang unang titulo sa UFC 198 kontra BrazillianFabrico Werdum via TKO.

Mapapanood ang aksiyon sa UFC 241 live sa FOX+!