‘The Killer Bride’, pinataob ang ‘Love You Two’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MATAAS ang ratings ng pilot episode ng bagong Kapamilya seryeng The Killer Bride, na pinagbibidahan nina Maja Salvador, Janella Salvador at Joshua Garcia, nitong Lunes.

Jennylyn at Maja

Base sa Kantar ratings, the pilot episode of The Killer Bride registered a TV rating of 23.1%, samantalang ang katapat nitong serye sa GMA-7, Love You Two, na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion ay nakakuha lamang ng 10.1%’ ayon pa rin sa Kantar survey. Lamang ang The Killer Bride ng 13% sa Love You Two.

Ang The Killer Bride ay follow-up project ni Maja after the success of her last series, Wildflower, samantalang ang nasabi ring serye ay magsisilbing TV comeback ni Janella after her long absence in doing TV shows. Ito rin ang unang pagsubok sa tambalang Janella at Joshua.

All star-cast ang The Killer Bride dahil bukod sa first full-length teleserye ito ni Geoff Eigenmann sa ABS-CBN after doing TV shows for GMA-7, makakasama rito ang mga beteranong artista gaya nina Eddie Gutierrez, Dominic Ochoa, Aurora Sevilla, Keanna Reeves, Viveka Ravanes, Mico Raval, Precious Lara Quigaman at iba pa.

-ADOR V. SALUTA