PVF-Tanduay Athletics Girls U18 ‘Series in Ur Cities’ Volleyball

Filed under Balita, Sports, Volleyball Balita RSS RSS Feed

volleyball

 

WALANG katumbas ang kasiyahan ng mga mayuming miyembro ng Nueva Ecija High School volleyball team sa programang hatid ng Philippine Volleyball Federation (PVF), sa pamumuno ni president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada (kaliwa), sa isinagawang PVF-Tanduay Athletics Girls U18 “Series in Ur Cities” Volleyball Tournament Nueva Ecija-leg nitong weekend sa Cabanatuan City.  Nasa larawan din sina  NEHS teacher Editha Samatra at PVF Coordinator Neille Roxas-Pacia. Tinanghal na kampeon ang Talavera National High School sa torneo na sinuportahan ni Vice Governor Emmanuel Antonio Umali.