Perlas at Creamline, liyamado sa PVL

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

 

TARGET ng opening day winners Banko Perlas at reigning champion Creamline na masundan ang maagang pamamayagpag, habang sasalang ang bagong koponang Choco Mucho ngayon sa pagpapatuloy ng PVL Season 3 Open Conference sa Filoil Flying V Center.

Mauunang sasabak ang Flying Titans sa nakatakdang triple bill kontra Balipure ganap na 2:00 ng hapon.

Sunod naman ang duwelo ng Cool Smashers at Motolite ganap na 4:00 ng hapon, bago ang tapatan ng Perlas Spikers at Air Force ganap na 6:00 ng gabi.

Ginapi ng Creamline ang Lady Jet Spikers sa pamumuno nina Michelle Gumabao at Alyssa Valdez nitong Sabado, 25-23, 25-20, 25-15 habang pinadapa naman ng Perlas Spikers sa pangunguna nina Gzi Gervacio at Nicole Tiamzon ang Reinforced titlist Petro Gazz, 25-21, 11-25, 25-21, 25-18.

Mauuna rito, ang koponan ng Balipure ang magbibinyag sa baguhang Choco Mucho kung saan aabangan ng lahat ang pagbabalik ng legend at dating UAAP MVP na si Manilla Santos.

Bukod kay Santos, aantabayanan din ang tatlong dating pambato ng reigning UAAP champion Ateneo de Manila na sina Bea de leon, Maddie Madayag at Kat Tolentino na siyang mga pangunahing manlalaro ng Choco Mucho na nasa ilalim ng paggabay ni Lady Eagles coach Oliver Almadro.

-Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Centre)

2:00 n.h. — BaliPure vs Choco Mucho

4:00 n.h. — Creamline

vs Motolite

6:00 n.g. — BanKo-Perlas

vs Air Force