Kilalang aktor, sumusweldo kahit nakabasyon

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ANG tarush naman pala ng kilalang aktor dahil kahit wala siyang project dahil nakabakasyon ay dire-diretso lang ang suweldo nito sa network na konektado siya dahil nabibilang siya sa mga paborito.

Sa isang event ay napag-usapan ang kilalang aktor dahil ang dami-daming project na inilalatag sa kanya pero lahat ay tinatanggihan niya kaya nawiwindang ang film producers at pinagtsi-tsismisan siya na paano nito nakakayang tumanggi sa malalaking project gayung wala siyang kinikita dahil nakabakasyon nga.

Isang TV executive ang nagkuwento na maski hindi magtrabaho ang kilalang aktor ay hindi mababawasan ang kaban ng yaman nito dahil tuluy-tuloy lang ang pagdating ng grasya sa kanya.

Komento tuloy ng lahat, “ang sarap namang maging paborito ng management, dire-diretso ang grasya.”

Oo nga, samantalang ang daming artists ng network na hindi nabibigyan ng projects at wala ring kinikita.

Hirit naman ng isa pang executive, “money maker naman kasi si (kilalang aktor). ‘Yung mga walang project, magbilang muna sila ng maraming taon bago sila makasing-level ni (kilalang aktor).”

Samantala, ang kilalang aktor ay naghahanda na pala sa kanyang pagbabalik at magugulat na lang ang lahat na work mode na ulit siya.

-Reggee Bonoan