Erich, ‘di totoong pinagmumulta ng ABS-CBN

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MAY nagtanong sa amin kung totoong pinagmumulta si Erich Gonzales ng ABS-CBN management sa nagastos sa tapings nito sa Love Thy Woman, na bigla niya umanong iniwan sa ere.

Erich

Marami na raw kasing nakunan na eksena si Erich at dahil lang sa hindi nito nagustuhan ang twist ng istorya ay biglang nagpaalam sa Dreamscape executives na hindi na niya itutuloy ang seryeng pagbibidahan din nina Xian Lim at Kim Chiu.

Nagtanong kami sa taga-Dreamscape Entertainment kung totoo ito at base sa sagot sa amin, “parang hindi naman true ‘yang bayad-bayad.”

Ito lang ang simpleng isinagot sa amin, kaya sa mga loyalistang supporters ni Erich, hindi raw po totoo.

Anyway, ang isa pang nalaman namin ay nakipag-meeting daw si Erich sa Dreamscape executives at doon niya sinabi na hindi na niya itutuloy ang Love Thy Woman at nagkaunawaan sila na kung anumang napag-usapan sa meeting ay hindi na lalabas, internal na raw iyon.

Pero laking gulat na lang ng Team Love Thy Woman na nasa showbiz website na kaagad ang isyu.

Ilang araw matapos pumutok ang balita ay sumunod naman si Erich sa Japan kung saan naroon ang Ate Kris Aquino niya at mga anak na sina Joshua at Bimby.

Feeling namin ay gustong mag-unwind ni Erich kaya pumunta sa Japan.

-Reggee Bonoan