Ayeng and Knightly Rapid Non-Master Chess

Filed under Balita, Sports, Uncategorized Balita RSS RSS Feed

ISANG makabuluhang chess tournament na tinampukang 1st Ayeng and Knightly Rapid Non-Master Chess Tournament 2050 and Below ang isasagawa kaalinsabay ng pag-gunita ng pagkamatay ni dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.sa Agosto 21 sa San Mateo National High School, San Mateo, Rizal.

 

Ayon kay tournament director Mr. John C. Fajardo, ang torneong ito ay bukas sa lahat ng walang titulong manlalaro na ang rating ay hindi lalagpas sa 2050. Ipapatupad ang 7 Rounds Swiss System, 20 minutes plus five seconds time delay mode.

Nakalaan sa magkakampeon ang P3,000 plus trophy, maisusubi ng 2nd place ang P1,500 plus trophy, maibubulsa ng 3rd place ang P1,000 plus trophy, habang ang 4th hanggang 5th ay makakatangap ng tig P500 plus medals.

Para sa dagdag na detalye, makipag-ugnayan kay tournament director Mr. John Custodio Fajardo sa mobile number: 0909-823-6060.