Alden, sobrang committed sa trabaho

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

WALA yatang kapaguran si Pambansang Bae Alden Richards, na umalis ng bansa last August 8 patungong United Arab Republic para sa premiere night ng pelikulang Hello, Love, Goodbye nila ni Kathryn Bernardo sa Dubai at Abu Dhabi plus meet and greet with the Filipino fans doon.

Casts ng 'The Gift'

Last Sunday, nag-post si Alden na nasa Sheikh Zayed Grand Mosque at nakasuot siya ng traditional clothing na kandura.

“Got to learn a little more about rhe religion and culture. Praying to come back soon with my family when the weather’s cooler. Inshallah.”

Summer kasi ngayon doon. Umalis sina Alden at Kath last Sunday evening at dumating sa bansa ng Monday, 9:00 ng umaga.

Nag-ayos at nagpahinga lang si Alden ng kaunti dahil 1:00 ng hapon naman ang call time niya sa taping ng pinagbibidahana niyang teleserya sa GMA Network, ang The Gift, at tumuloy na siya sa Divisoria na shooting location ng serye. Big scene raw kasi ang kinunan ni Direk LA Madridejos kaya no problem kay Alden na mag-taping kahit wala siyang pahinga. Saka na-miss din niya ang mga co-stars niya sa teleserye dahil isang linggo silang hindi nakapag-taping dahil wala siya. Malapit-lapit na rin kasing mapanood ang The Gift sa primetime kaya sabay na rin ang pictorial at TV plug nila.

Mahigit P500 million na ang gross ng Hello, Love, Goodbye, at may ilan pa ring commitments sina Alden at Kath. Ang huling international premiere night na pupuntahan nila ay sa Singapore sa September 17-19.

Samantala, kasabay nito ang pagpu-promote ni Alden ng The Gift sa regional mall shows, mauuna sa Kadayawan Festival sa Davao sa August 23, at kasama niya rito sina Martin del Rosario, Mikee Quintos, Thia Tomalla at iba pang cast ng serye.

-NORA V. CALDERON