Aiko, obsessed lover sa ‘Prima Donnas’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

TAPOS na pala ang ghost month nitong Agosto 10, ayon sa aming source, kaya pala papasok na ang bagong programa ng GMA 7 na Prima Donnas na pagbibidahan nina Wendell Ramos, Sofia Pablo, Jillian Ward, Althea Ablan, Katrina Halili at Aiko Melendez na ididirek ni Ms Gina Alajar.

Aiko

Makakatapat ng Prima Donnas ang Kadenang Ginto kaya pala may mga nadagdag silang eksena na mas lalo raw pinaganda base sa espiya namin sa Kapuso network.

Tinanong namin si Aiko kung totoong nagdagdag sila ng eksena.

“Ay oo ‘Te Reg, kasi nilakihan nila ‘yung soap binusisi ng GMA and tutok po si Direk Gina sa aming lahat,” say ng aktres.

Matagal na pala niyang nakakatrabaho si Ms. Gina base sa post ni Aiko sa kanyang Facebook wall.

“I worked with her in several movies. And small world she became the leading lady of my father (Jimi Melendez) too! Now am working with her as my director! It is truly an honor to be working with a great actress, and now am a witness of how good as a director she is. She is indeed an actors’ director. Very detailed and yet so soft-spoken. I love the fact that how open I can be with her with my suggestions and how brilliant this lady is! Isa po karangalan na maging director ka @ginalajar. Minsan pag nag-blocking po tayo nakatulala nalang ako kasi ang dami-dami ko pa palang puwede matutuhan and this Project#primadonnas I am humbled as I am being taught again of many learnings. Thank you Direk Gina for guiding me.”

Gagampanan ni Aiko ang karakter na Kendra na maldita.

“Maldita pero nakakaawa kasi nagmamahal lang naman si Kendra kay Jaime (Wendell). Obsession na actually kaya ‘di niya naiisip sino nasasagasaan niya pero nakakaawa siya apart siya kay Emilia (Wildflower) na evil po.”

At dahil makakatapat nila ang Kadenang Ginto ay tinanong namin kung kabado sila dahil alam naman ng lahat na hawak nina Dimples Romana at Beauty Gonzales ang timeslot nito.

Sagot kaagad ng aktres, “Mas kabado ako sa show. Hindi sa anumang katapat namin. Kasi siyempre ang dapat atupagin namin hindi ‘yung katapat kundi paano magiging iba ang show namin sa iba.”

Dagdag pa, “story wise ‘di kami papahuli. ‘Di rin naman ako papayag gumawa ng puchu-puchu lang. Tsaka naniniwala ako me suwerte ‘yung tandem namin ni Wendell kasi mayroon kami following from ‘Wildflower’.

Oo nga, isa rin sa nagpataas ng ratings ng Wildflower ay ang tambalang Emilia at Taul Torillo at fake Jaguar.

At higit sa lahat, malayo ang itsura ni Aiko sa rating serye dahil mataba siya roon unlike sa Prima Donnas na malaki ang ibinawas ng timbang.

“IbangKendra ang makikita nila medyo sexy. Kaya ako nagpapayat sobra para kay Kendra. Si Emilia mataba nu’n, si Kendra pa-sexy. Kasi paano mapapaibig si Wendell kung mataba si Kendra,” masayang sabi ng aktres nang maka-chat namin kahapon.

Nabanggit din ng aktres na textmate sila ng Kadenang Ginto star na si Beauty.

“Si Beauty ka-textmate ko ‘yan kasi bait na bait ako kay Beauty and napakasimple kaya love ko ‘yan. Si Dimples kasi parang kapatid ko, dami ko na work nakasama siya and magaling sila pareho,” kuwento ni Aiko.

Kaya friendly competition ang Kadenang Ginto at Prima Donnas.

“Oh definitely. It’s just work for all of us. Siyempre the comparison will always be there kung sino mas better pero for me work lang talaga. We are here to also show our viewers a different taste of drama ‘di ba?

“Mahirap maging katapat ang higante ‘di ba. Lalo na ‘Kadena’ is made already kami starting pero one thing for sure hindi kami mapapahiya sa show namin.”

Ang nasabing serye ang unang project ni Aiko nang lumipat siya sa GMA pagkatapos niyang mawala nang 45 days dahil tumulong siya sa kampanya ng boyfriend niyang si Zambales Vice Governor Jay Khonghun.

“Tsaka thankful ako sa importance na binibigay ng GMA sa akin sobra. Alaga ako ng EP namen Ms Ysai at Ms Redgyn (Alba), so sobra ako blessed sa project na ‘to, actor-director si Direk Gina.

“Napaka-meticulous and detailed kaya I love working with her. Ang dami ko pa natutuhan sa kanya,” kuwento ni Aiko.

Dagdag pa, “maaawa sila at mamahalin nila si Kendra. ‘Yun lang masasabi ko at maiinis din dahil sa pag-ibig nagiging t*ng*.”

At dahil sa Lunes, Agosto 19 na ang airing ng Prima Donnas ay ngaragan ang promo nila at may mall show sila sa Robinsons Dagupan sa Biyernes.

“All star cast kakanta ako at kakain ng apoy manood lang sila ng show namin. Hinahanap daw kasi ako ng tao. Taray, may naghahanap sa akin? Pupunta naman talaga ako,” masayang sabi pa ni Aiko.

-REGGEE BONOAN