Aksiyon sa PSL sa Malolos Gym

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

 

MALOLOS CITY – Hatawan ang inasahan sa pagaagawan sa ikatlong puwesto ng Foton at Cignal na sasabak sa magkahiwalay na duelo sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayon sa Malolos Sports and Convention Center.

Haharapin ng Tornadoes ang Marinerang Pilipina ganap na 4:15 ng hapon, habang mapapalaban ang HD Spiker sa F2 Logistics sa 7 ng gabi.

Tabla ang Foton sa Vognal na may 7-6 karta matapos mabigo sa Petron sa Spike on Tour sa Corpus Christi gym sa Cagayan de Oro City nitong weekend.

Nangunguna ang Petron na may 13-1 karta, kasunod ang F2 na may 11-2 mark.

“This is our best and only chance to get the third spot so we have to give our all,” pahayag ni Cignal head coach Edgar Barroga.

Mga Laro Ngayon

(Malolos Sports and Convention Center)

4:15 n.h. — Foton vs Marinerang Pilipina

7:00 n.g. — F2 Logistics vs Cignal