Castro at Jones, ‘D best sa Commissioner’s Cup

Filed under Balita, Basketball, Sports Balita RSS RSS Feed

SINALO ng TNT Katropa ang parangal sa 2019 PBA Commissioner’s Cup individual award.

Tinanghal na Bes Player of the Conference si Jayson Castro, habang Best Import si Terrence Jones, laban kina San Miguel’s Chris McCullough at Barangay Ginebra mainstay Justine Brownlee.

ANG magilas na laro ni Christian Standhardinger ang susi sa tagumpay ng San Miguel Beer vs TNT Katropa sa Game 4 ng PBA Commissioner’s Cup finals. TRISTAN ESPIRITU.

ANG magilas na laro ni Christian Standhardinger ang susi sa tagumpay ng San Miguel Beer vs TNT Katropa sa Game 4 ng PBA Commissioner’s Cup finals. TRISTAN ESPIRITU.

Ginabi ng 33-anyos at dating Gilas member sina five-time MVP June Mar Fajardo ng San Miguel, at rookies Ray Parks, CJ Perez at Robert Bolick para sa kauna-unahang  BPC award mula noong 2016 Governors’ Cup.

Nakakuha si Castro ng kabuuang 1077 puntos mula sa statistics, media votes, points from player votes, at PBA Commissioner’s Office.

Pangalawa si Fajardo na may 762, kasunod si Parks ng Blackwater  ( 434).

Impresibo ang bentahe ni Jones na nakuhang 1, 254 puntos.