Aksiyon sa D-League sa Ynares

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

MAKABAWI sa natamong pagkatalo sa kani-kanilang ikalawang laro upang manatili sa ikalawang puwesto sa Group A ang parehas tatangkain ng mga baguhang koponang Asia’s Lashes at Hazchem sa pagsalang nila ngayong hapon sa 2019 PBA D League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Mauunang sumabak ang Asia’s Lashes sa pambungad na laro ng nakatakdang triple bill kontra Nailtalk Savio ganap na 1:30 ng hapon. Susunod naman ang Hazchem na sasagupain ang IWalk sa ikalawang laro ganap na 3:30 ng hapon bago ang huling tapatan ganap na 5:30 ng hapon sa pagitan ng mga Group B teams Hyperwash at Alberei.

Kasalukuyang magkasalo sa ikalawang posisyon ng Group A ang Hazchem at Asia’s Lashes taglay ang patas na markang 1-1 kasunod ng mga namumunong Centro Escolar University at Marinerong Pilipino na kapwa may malinis na barahang 2-0.

Sa panig naman ng kanilang mga katunggali, kapwa magkukumahog na makapagtala ng kani-kanilang unang panalo ang Nailtalk at IWalk. Nakakadalawang talo na ang una habang bigo din sa debut game nito ang huli noong Agosto 1 sa kamay ng AMA Online Education,92-110.

Natalo ang Asia’s Lashes noon ding Agosto 1 sa kamay ng CEU Scorpions, 77-107 habang nabigo naman ang Hazchem sa Skippers noong nakaraang Agosto 5, 71-118.

Kasama ng McDavid na parehong winless matapos ang unang dalawang laro sa Group B, mag-uunahang makapasok ng win column ang Hyperwash at Alberei.

-Marivic Awitan

Mga Laro Mgayon

(Ynares Sports Arena)

1:30 n.h. — Nailtalk-Savio vs Asia’s Lashes

3:30 n.h. — Hazchem vs iWalk

5:30 n.h. — Hyperwash vs Alberei

Standings

Group A W L

CEU 2 0

Marinero 2 0

Hazchem 1 1

Asia’s Lashes 1 1

AMA 1 2

iWalk 0 1

Nail Talk 0 2

Group B

St. Clare 3 0

B.Mamba 1 0

TIP 3 1

Italianos 1 1

Alberei 0 2

Hyperwash 0 2

McDavid 0 2