Blazers, asam ang liderato

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

 

PANSAMANTALANG pamumuno ang tatangkain ng College of St.Benilde sa nakatakda nilang pagsagupa sa Jose Rizal University sa unang laro ngayong hapon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 95 Men’s Basketball Tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

KUMPIYANSA si Mark ‘Magnifico’ Magsayo sa nalalapit na laban kontra Thai fighter, habang matamang nakikinig (mula sa kaliwa) sina Karate president Richard Lim, TOPS president Ed Andaya, maybahay na si Francine at Games And Amusement Board (GAB) Boxing and Contact Sports head Jackie Lou Cacho sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports sa NPC

KUMPIYANSA si Mark ‘Magnifico’ Magsayo sa nalalapit na laban kontra Thai fighter, habang matamang nakikinig (mula sa kaliwa) sina Karate president Richard Lim, TOPS president Ed Andaya, maybahay na si Francine at Games And Amusement Board (GAB) Boxing and Contact Sports head Jackie Lou Cacho sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports sa NPC

Magtutuos ang Blazers na kasalukuyang kasalo ng defending champion San Beda University sa liderato taglay ang malinis na markang 4-0, panalo-talo at ang Heavy Bombers sa unang laro ganap na 2:00 ng hapon.

Kasunod nito, magsasagupa naman ang San Sebastian College at Emilio Aguinaldo College sa tampok na laban ganap na 4:00 ng hapon.

Huling tinalo ng CSB ang San Sebastian, 77-72 noong Hulyo 30 para sa ika-4 na dikit nilang panalo habang kababalik lamang ng JRU sa winning track noong Agosto 1 makaraang igupo ang EAC, 64-58 sa NCAA on Tour sa JRU gym sa Mandaluyong City.

Kahit wala at nagpapagaling ng kanyang injury ang main man ng Blazers na si Justin Gutang, patuloy pa rin sila sa impresibo at pinakamagandang panimula nila ng season dahil sa pagtutulungan ayon kay coach TY Tang.

Sa tampok na laro, sasabak ang San Sebastian Stags kontra Generals na wala ang kanilang headcoach na si Egay Macaraya dahil suspindido ito ng isang laro sanhi ng “unsportsmanlike conduct” nya sa nakaraang laban nila kontra Lyceum kung saan nahuli syang inutusan ang isa nyang player na saktan ang isang katunggaling player habang nasa huddle dahil nakita ito at narinig sa national television.

Bukod sa suspensyon, inatasan din syang magsagawa ng “public apology” at community service.

-Marivic Awitan

San Beda 4 0

CSB 4 0

Letran 5 1

LPU 4 1

SSC-R 2 3

Perpetual 2 3

JRU 3 4

Arellano 1 4

EAC 1 5

Mapua 0 5

Mga laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

2:00 n.h. — St.Benilde vs. JRU (M)

4:00 n.h. — San Sebastian vs EAC (M)