Adiwang, opisyal ng ONE FC Warrior

Filed under MMA, ONE Championship Balita RSS RSS Feed

SINGAPORE – Pinatunayan ni Lito ‘Thunder Kid’ Adiwang na may puwang siya sa ONE FC at karapat-dapat na maging miyembro ng Team Lakay.

MATIKAS na nakihamok si Adiwang na kinagiliwan ng ONE FC management

MATIKAS na nakihamok si Adiwang na kinagiliwan ng ONE FC management

Ginapi ni Adiwang sa ‘Rich Franklin’s ONE Warrior Series, subsidiary ng ONE Championship™ (ONE), ang nangungunang MMA Promotion sa Asya, si Anthony Dop ng Vietnam via unanimous decision sa main event ng ONE Warrior Series 7 nitong Martes sa Singapore Indoor Stadium.

Bunsod ng panalo, nakuha ni Adiwang ang minimithing ‘six-figure’ contract sa ONE Championship.

Bukod kay Adiwang, tumanggap din ng ‘Warrior Bonus’ sina Dave Bangguigui, Caitlin McEwan, Michael Walker, at Anthony Do.

“If you missed the ONE Warrior Series event, you should check out the replay on the ONE Super App. From top to bottom, this is the most exciting card we have ever put together, and every athlete put it on the line! Lito, the 10th ONE Championship contract winner, has had the toughest matchups since he joined ONE Warrior Series, and never disappointed with his performances. If you are in ONE Championship’s strawweight division, take note of this guy because he’s coming to shake things up!” pahayag ni Rich Franklin, CEO ng ONE Warrior Series.

“Lito always put on the most exciting performances every time he stepped into the ONE Warrior Series ring. In fact, he’s even won a Warrior Bonus in every appearance, which is a testament to his abilities. With Lito moving on to ONE Championship, no doubt the already stacked strawweight division will take notice of his power and explosiveness. Look for him to make an immediate impact as soon as he gets the call,” sambit naman ni Jonathan Fong, Director of ONE Warrior Series.

Matapos sumampa sa MMA pro noong 2012, napabilang si Adiwang sa pamosong Team Lakay ng Baguio City, kung saan higit na tumaas ang antas ng kanyang galing at pagiging kompetitibo.

Napasama siya sa Rich Franklin’s ONE Warrior Series sa nakalipas na taon matapos ang matikas na panalop kina Jose Manuel Huerta at Alber Correia Da Silva