Not so sikat singer, kabado sa mga baguhan

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

KABADO ang not so sikat na singer sa bagong singers ngayon ng network dahil may naringgan siyang nagsalita ng, “may mga bago na naman, hindi pa nga kami masyadong nabibigyan ng shows.”

Napalingon ang aming kausap sa nagsalita at nagulat siyang lumabas ito sa bibig ng singer na produkto ng talent search.

Lumingon din kami siyempre kasi nga hindi namin napansin at saka maraming tao kasi sa paligid. Actually, hindi naman kagulat-gulat para sa amin na nasabi nga ito ng singer dahil sa totoo lang, hindi naman siya sikat o baka sikat siya sa mga nakakakilala sa kanya.

Pero the fact na nakapagsalita ng gano’n ang singer ay posible nga na hindi pa siya sikat sa paniniwala niya, pero ayon naman sa namamahala ng career niya na nakausap namin, dati ay marami siyang inquiries at out of town invitations.

Tinanong din namin kung may out of the country shows na siya, “wala pa, hanapanan mo nga.”

Napangiti lang kami pero ang totoo, mahirap hanapan si singer dahil sobrang mahal niya sa totoo lang dahil isa na rin kami sa nag-inquire kailan lang.

Anyway, hindi naman namin matukoy kung sino ang binabanggit ng singer na ‘mga bagong singers ngayon’ dahil ang dami naman talaga, as in. Pero sobrang gagaling talaga.

Tulad nitong katatapos na Idol Philippines, ang Top 5 ay balitang magkakaroon ng concert sa New Frontier Theater (dating KIA), e, paano pa ‘yung mga naiwang pito na kasama sa top 12?

Sigurado kami na sa pagpasok ng Idol Philippines top 5 sa Star Music ay marami ring kakabahan na mga dating recording artists dahil baka matabunan na sila.

E, teka, wala bang album ang singer na bida sa blind item namin?

-Reggee Bonoan