Kilalang aktres, laging ‘di bet ng parents ng BF

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

KAWAWA naman ang kilalang aktres dahil sa tuwing magkakaroon siya ng karelasyon ay laging napupunta sa hiwalayan at ang rason ay hindi boto sa kanya ang pamilya at mga kaibigan ng guy.

Hindi na pala bago ang isyung ito sa kampo ng kilalang aktres dahil laging ito naman ang dahilan ng paghihiwalay.

Kuwento ng kausap naming malapit sa kilalang aktres at sa huling karelasyon nito.

“Actually, ‘yan ang kadalasang problema niya (kilalang aktres). Hindi ko alam ano sasabihin ko kasi hindi naman ako ang involved pero nanghihinayang ako kasi nakita ko kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Nakita ko rin na mega-effort sila para magkita considering they’re both busy.

“Ang family naman ni (kilalang aktres) ay boto kay (boyfriend). Mahirap talaga ‘pag family na ang usapan. Siyempre totoo naman talaga ang kasabihan na kapag may basbas ng pamilya o magulang ang relasyon ng kanilang anak, e, magiging tagumpay ang pagsasama,” pahayag sa amin.

Paano kinakaharap ng kilalang aktres ang paghihiwalay nila ng boyfriend niya?

“Sa totoo lang, I don’t ask and hindi rin siya nagkukuwento. Parang ayaw niyang pag-usapan, mas gusto niyang mag-work nang mag-work. Good thing she’s super busy now. And puro masasaya lang ang kuwentuhan namin with friends.”

Mabuti pala at abala ngayon ang kilalang aktres kaya makakapag-move on siya ng mabilis tulad sa mga nauna niyang naging karelasyon.

Ano bang mayroon sa 2019 at ang daming kilalang celebrities ang nag-break, isama pa ang magkaka-loveteam, meaning, hindi na sila magka-trabaho literally.

-Reggee Bonoan