Aktres, tengga sa laki ng hinihinging TF ng handler

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

AWARE kaya ang aktres na laging napapasama sa sitcom show at naging miyembro ng programang pambata, na kaya mangilan-ilan lang ang movie at TV projects ay dahil mataas ang kanyang talent fee base sa quote ng handler niya?

Nakakatsikahan kasi namin ang aktres at nabanggit niya na gusto niyang magkaroon ng pelikula at programa dahil matagal-tagal na rin daw siya sa showbiz ay iilan pa lang ang nagawa niya at pawang support pa. Hindi lang namin maamin na naungusan na siya ng ilang baguhang produkto ng reality show.

Maraming inquiries ang aktres pero kapag nalaman na ang talent fee niya ay umuurong na ang film producers kahit gusto siya kasi nga marunong umarte.

Tulad nitong bagong pelikula na gustung-gusto siya ng direktor at producer pero nang i-inquire na ang TF ni aktres ay umatras na ang producer, “wag na! Palitan na. Wala naman masyadong fans.”

Ang ipinalit sa aktres ay baguhang artista na hindi kagalingang umarte pero sangkaterba ang supporters, as in.

Marami na kaming nakakausap na artista na puwede nang sa kanila mismo mag-inquire at kapag nagustuhan nila ang project, sila na mismo ang magpu-push sa kani-kanilang handler o management company na tanggapin ang project.

-Reggee Bonoan