Renewal ng ABS-CBN, ‘di haharangin ng Pangulo – Andanar

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA pagbubukas ng ikatlong session ng 18th Congress nitong July 24, muling isinumite ni Nueva Ecija Representative Micaela S. Violago ang kanyang nakabinbing panukala noong 17th Congress na magpapalawig sa franchise ng ABS-CBN ng 25 taon.

Nakatakdang magtapos ang prangkisa ng istasyon sa March 20, 2020.

Ang House Bill 676 na may titulong “AN ACT GRANTING ABS-CBN BROADCASTING CORPORATION A FRANCHISE TO CONSTRUCT; INSTALL, ESTABLISH, OPERATE, AND MAINTAIN BROADCASTING STATIONS IN THE PHILIPPINES, AND FOR OTHER PURPOSES” ay naglalayong mapagkalooban ng 18th Congress ang Kapamilya network ng panibagong 25-year franchise to broadcast pagkatapos ng expiration ng kanilang prangkisa.

Hindi natalakay noong 17th Congress ang unang file ni Representative Violago ng House Bill 4349 na naglalayong muling mabigyan ng prangkisa ang broadcast giant.

Ayon sa naulat noon, hindi inaksiyunan ng Committee on Legislative Franchises ang bill na nai-file ng mambabatas noong November 2016 dahil sa sigalot sa pagitan ng ABS-CBN at ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagbanta kasi ang Presidente na hindi niya aaprubahan ang franchise renewal ng istasyon dahil umano sa hindi pag-ere ng istasyon sa political ad niya noong 2016 Presidential Elections.

Sa kanyang regular press briefing sa Malacañang noong July 18, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nakasalalay sa Kongreso ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Nataon kasing noong araw na iyon ay nag-lapse into law ang 25-year franchise renewal ng TV5.

Sagot ni Panelo sa tanong tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN, “Ang ABS-CBN, ang expiration niyan ay next year pa. Nasa Kongreso ang bola niyan, hindi naman kay Presidente.”

Sa panayam naman kay Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, sinabi nitong hindi ibi-veto o haharangin ng Presidente ang prangkisa sakaling makalusot ito sa Kongreso.

Lahad ni Andanar sa interview ng DZBB kahapon, July 24, “Sa palagay ko naman, kapag pumasa na sa Kongreso, okay na.

“Kapag pumasa sa Kongreso, kasi nasa Kongreso pa, e, nasa kanila ang bola sa ngayon. ‘Yun ang palagay ko,” dagdag pa ni Andanar.

-Ador V. Saluta

  • Jenny Belgado

    Sana nmn maisip nila yung mga workers ng network, please renew the contract of abs-cbn.

  • Nica Mora

    Yun oh! sana bigyan nila ng chance na maipasa sa congress ang renewal ng abs-cbn.

  • Leo Ardales

    Please give chane to the abs-cbn network na mapgptuloy nila ang pagpapasaya sa manonood.

  • XandraRegerio

    Tiwala akong ma rerenew ang franchise ng ABS-CBN. Maraming pamilyang pilipino ang tumatangkilik sa tv network na to.

  • leonil

    Give ABS-CBN a chance. They deserve this renewal and i support them in this battle

  • OscarlitoVon

    Maraming maaapektuhan kung sakali man hindi marenew ang abs-cbn. maraming magugutom na pamilyang umaasa sa abs-cbn

  • Jezz

    Tiwala akong marerenew ang franchise ng ABS-CBN. Tiwala lang tayo sa prosesso at makakamit rin ang renewal na pinapangarap

  • SantiJohn

    I support abs-cbn in this battle. tiwala kaming makukuha nila ang franchise nila.

  • Yatts Lang

    Abs-Cbn deserve to stay and continue their network, hindi rason ang isang pagkakamali lang, mas mpapatunayan nila ito kung bbigyan nila ng pagkakataon na iapproved ang franchise ng abs-cbn.

  • Annie Lyn

    sana marenew na at maapproved na sa congress ang franchise ng abs-cbn.

  • Lina

    Wala sa kanya ang desisyon jan kundi sa kongreso.. wag na sana siya makialam jan

  • Paul Cruz

    BIgyan nyo naman sana sila ng chance na ipagpatuloy ang kanilang magagandang programa

  • Jhon

    Marerenew yan.. Marami magagalit sa kanila kapag hindi yan narenew

  • Janjan

    Ipasa nyo na dahil napakahalaga ng programana nila, sila ang nagbibigay balita sa mga tao

  • Clariz

    Sana naman maisip nila mga empleyado ng abscbn

  • Martha Sanchez

    “Being vital in operating for the next 25 years, the legislative franchise of ABS-CBN will save the jobs and source of livelihood of more than 10,000 Filipino workers and their families,” i couldn’t agree more. they have been a big help to the Filipinos in need of job

  • Ken Lina

    sana makapag decide na ang kongreso na mag renew na ang ABS CBN. di ba nila alam na marami din natutulungan ang ABS CBN lalo na yung mga employees nla

  • Erick Reyes

    ang daming empleyado ang mwawalan ng trabaho kapag hindi makapag renew ang ABS CBN.

  • Vanjo Gregorio

    madami kaya natutulungan ang ABS CBN kaya dapat makapag renew sila.

  • Rodolfo Herno

    hopefully everyone will approve. ABS CBN deserves to have its franchise renewed

  • Raphael Vargas

    sana naman wag na nila patagalin pa. iexpidite na nila ang pag renew ng ABS CBN

  • John Nasana

    yung nasa Congress dapat pumayag na dn na mag renew ang ABS CBN.

  • Joseph Cruz

    sana pumayag yung Kongreso na makapag renew yung ABS CBN.

  • Myra Otangpayo

    i am confident that the Congress will alow ABS CBN to renew its contract.

  • Abby Villa

    sana maaprubahan ng Congress yung pag renew ng ABS CBN.