Ramon Gonzales vs Hexigetu sa ONE: DREAMS OF GOLD

Filed under MMA, ONE Championship Balita RSS RSS Feed

Marami ang nakapapansin sa galing ni Ramon “The Bicolano” Gonzales sa ONE Championship Strawweight division at wala siyang planong tumigil sa pagpapakitang gilas.

Gonzales will be making a return to the ONE ring when he takes on China’s Hexigetu on the undercard of  ONE: DREAMS OF GOLD, 16 August at the Impact Arena in Bangkok, Thailand.

Magbabalik si Gonzales sa ONE kapag kinaharap niya si Hexigetu ng China sa undercard ng ONE: DREAMS OF GOLD sa Agosto 16 sa Impact Arena, Bangkok, Thailand.

“I’m so happy for this new opportunity – excited and humbled for every fight that is given to me,” sabi ni Gonzales.

“My training has been good. Team Kyokushin is always there to help me everyday. We work on our striking and ground skills. Everyday I’m at my best to prepare myself for this bout,” dagdag niya.

Kapag nanalo si Gonzales, ito ang magiging pang apat na diretsong panalo niya sa The Home Of Martial Arts kumpara noong nagsimula siya.

Nag-umpisa siya noon na may sunod sunod na talo pero hindi siya basta bastang sumuko.

Nagbalik si Gonzales ng mas malakas at pinatunmayang di lang siya basta striker. Sunod-sunod ang mga napasuko ni Gonzales, nagpapakita lamang na mas delikado siya kesa sa mga sipa niya.

Sa huli niyang laban ay napasuko niya si Akihiro Fujisawa sa pamamagitan ng guillotine choke sa ONE: ROOTS OF HONOR noong Abril.

“Winning consecutively really helps, but more than that it helps me as a person as it makes me strive for more and be grateful for what I have,” bahagi ni Gonzales.

Ang bago niyang makakaharap ay ang “The Wolf Of The Grasslands”na si Hexigetu na kagagaling lang din sa isang panalo.

ANg ipinagmamalaki ng Horqin, Inner Mongolia ay unang nanalo sa ONE Championship laban kay Ovais “The Enigma” Shah sa opening bout ng ONE: WARRIORS OF LIGHT sa Bangkok noong Mayo.

“Hexigetu is a wrestler as well as a striker. He is also the teammate of one of my opponents before in ONE. That’s why I am eager to work hard for this,” sabi ni Gonzales.

“Perseverance, determination and focus, those are the things that I need to have against Hexigetu. There are a lot of people who believe in me, it’s all about believing in myself.”