Dachshund, tigok sa cobra

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Patay ang isa sa dalawang Dachshund na umatake sa cobra na pinigilan ng mga itong makapasok sa bahay ng kanilang amo sa Barangay Lanao, Kidapawan City, North Cotabato, nitong Biyernes ng hapon.

(Mula sa Facebook post ni Jaime Selim)

(Mula sa Facebook post ni Jaime Selim)

Sa footage ng close circuit television (CCTV) camera ni Jaime Selim, fast food manager here, nakita kung paanong tinangka ng dalawang aso na itaboy palayo ang cobra sa magkatulong na pagkagat dito.
Nakita rin sa CCTV footage na habang pinagkakakagat ang cobra ay lalo lang itong tumatapang, hanggang sa naglabas ito ng venom habang nakikipagbuno sa dalawang aso.
Kapwa nasapul ng lason ang mga kaso, at makalipas ang ilang minuto ay nasawi ang itim na Dachshund.
Nakaligtas naman ang puting Dachshund dahil sa mata lang ito nasabuyan ng venom, at ginagamot ngayon sa siyudad.
Sa huli, napatay din ng dalawang aso ang cobra.
Labis naman ang pasasalamat ni Selim sa kanyang mga aso, na dahil sa katapangan ng mga ito ay naligtas sa kapahamakan ang anak niyang babaeng isang taong gulang na mag-isang natutulog sa loob ng bahay nang tinangkang pasukin ng cobra.

Malu Cadelina Manar