Gabby, 22 years nang Kapuso

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MULING nag-renew ng kanyang kontrata sa GMA Network si Gabby Eigenmann nitong Martes, July 16. Kasama niya sa contract signing ang manager niyang si Perry Lansigan.

Gabby

Pagkatapos pumirma, nag-post si Gabby ng photo sa contract signing, at nagpahayag ng nararamdaman sa pananatiling Kapuso.

“22 fruitful years with GMA Kapuso Network. Looking forward to many more years!! Thank you for the trust. Malaking bagay para sa ‘kin, na naiparamdam nila ang pagtitiwala at kahalagahan sa aking kakayahan. Proud to be Kapuso.”

Kabilang sa mga nag-congratulate kay Gabby sina Carla Abellana, Janno Gibbs, Mark Herras, Gretchen Barretto, Max Collins, Wendell Ramos, at maraming iba pa.

Wala pang bagong teleserye si Gabby pagkatapos ng Inagaw Na Bituin, pero siguradong may magandang role at project na inihahanda sa kanya ang network.

Magandang bigyan ng trabaho si Gabby dahil laging para sa kanyang pamilya ang kanyang kinikita. Tuwing natatapos ang kanyang project, nagta-travel siya at ang kanyang pamilya sa ibang bansa. Treat ni Gabby ‘yun sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya.

Samantala, kasama si Gabby sa Eigenmann family sa excited na sa panganganak ng kapatid niyang si Andi Eigenmann, sa boyfriend nitong si Philmar Alipayo.

Any day now ay isisilang na ni Andi ang ikalawang anak niya. Babae rin ang magiging kapatid ni Ellie Eigenmann, na anak ni Andi sa ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

Si Gabby na kasi ang tumatayong padre de pamilya sa magkakapatid, mula nang pumanaw ang ama nilang si Mark Gil noong September 1, 2014.

Bukod kina Gabby at Andi, anak din ni Mark ang aktor na si Sid Lucero, at sina Maxene, Ira, at Stephanie Eigenmann.

-Nitz Miralles