Cristobal, kakasa rin sa Golden Boy Promotions

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

HINDI lang si Ricky Dulay na kakasa laban sa Amerikanong si Charles Huerta ang Pinoy boxer na sasagupa ngayon sa promosyon ng Golden Boy Promotions ni six-division world titlist Oscar dela Hoya sa Fantasy Springs Casino, Indio, California sa United States.

Kakasa rin sa araw na ito si Philippine Boxing Federation (PBF) super lightweight champion Rosekie “Kapre” Cristobal kay dating world rated at North America Boxing Association (NABA) super featherweight titlist Carlos “The Solution” Morales sa 8-round bout lightweight bout.

Pagkakataon ito ng tubong North Cotabatoat 25-anyos na si Cristobal na makabawi sa kanyang unang laban sa US kung saan natalo siya via 1st round TKO kay undefeated lightweight Michael Duchover noong nakaraang Mayo 10 sa Corona, California.

Nanalo naman ang 29-anyos na si Morales sa kanyang huling laban sa beteranong kababayan na si Pedro Navarrete via 5th round knockout kaya masusubok ang kanyang kakayahan kay Cristobal.

May rekord si Morales na 18-4-3 na may 7 panalo sa knockouts kumpara kay Cristobal na may kartadang 15 panalo, 4 talo na may 11 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña