GM Antonio sa chess simul sa AFAB

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

TAMPOK si 13-times National Open Champion Grandmaster (GM) Rogelio “Joey” Antonio Jr. na magsasagawa ng simultaneous chess exhibition sa Hulyo 19 sa Authority of the Freeport Area of Bataan sa Mariveles, Bataan.

Makakatapat ni Mr. Antonio ang mga piling AFAB workers, students, executives, seniors para sa 30 players sa event na inorganisa at nagislbing punong abala si Chairman/Administrator Emmanuel Pineda sa pakikipagtulungan nina Corporate Affairs Department Head Eliza Calimag, Ms. Aileen Grace Pizarro at Mr. Jephoi Clemente.

Dakong ala-una ng tanghali ay gaganapin naman ang Chairman’s Chess Cup 2019 Tournament para sa 20 minutes time control at 5 Rounds Swiss System, ayon kay Mr. Ebennezer “Benz” Batul, isa sa top players ng Mariveles Chess Team.

Si National Arbiter Alfredo Chay ng Chess Arbiter Union of the Philippines ang magsisilbing chief arbiter sa nasabing affair.