Fatima at Sheland, namaalam na sa ‘Idol PH’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SINA Fatima Louise at Sheland Faelnar ang na-eliminate sa Idol Philippines Top 8 live rounds episode nitong July 14.

Nu’ng una ay ibinitin muna ng Idol PH host na si Billy Crawford ang pag-a-announce nang pahakbangin niya forward sa stage sina Lance Busa at Elle Ocampo, na kabilang sa bottom four.

Pero nakahinga nang maluwag sina Lance at Elle nang sabihin sa kanila ni Billy na kasali uli sila sa next live rounds fourth elimination, na gaganapin sa July 21.

This was based on 50 percent of the scores given by the judges, composed of Regine Velasquez, Vice Ganda, Moira dela Torre, and James Reid.The other 50 percent came from public votes cast via SMS and Google voting.

Si Zephanie Dimaranan ang nakakuha ng highest score with 99.88% samantalang si Fatima Louise got the lowest score with 52.13%, at si Sheland ang nakakuha ng second lowest score of 52.27%.

Ang natitirang anim na hopeful finalists na magpe-perform next Sabado at Sunday night ay sina Lucas Garcia, Zephanie Dimaranan, Dan Ombao, Miguel Ordon, Elle Ocampo at Lance Busa.

“Mga Kapamilya, palakpakan natin sina Fatima at Sheland. Maraming salamat sa pagbahagi nang inyong talento dito sa Idol Philippines, Fatima at Sheland. Balang-araw ay magbabalik-tanaw tayo kung anong mga naging karanasan nyo dito sa Idol Philippines. God bless you,” ang madamdaming pahayag ni Billy kina Fatima at Sheland nang mamaalam sa Idol PH journey.

Nalungkot din ang apat na judges nang magpaalam na on air sina Fatima at Sheland but sabi nga nila, “Both of you have to move on at huwag mawawalan ng pag-asa sa inyong mga goals sa buhay.”

Which is true, ha! So madlang pipol, just watch Idol PH tuwing Sabado at Linggo coz nalalapit na ang kanilang pagtatapos sa mundo ng telebisyon ngayong July.

Ang tatanghaling winner sa natitirang six hopefuls ay nakasalalay sa inyong mga boto. ‘Yun na!

-MERCY LEJARDE