Angel, ‘oil-bularyo’ sa taping

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

“OIL-BULARYO ang tawag ng lahat kay Angel (Locsin) kasi mahilig siyang maghalu-halo ng oil para ipamigay sa mga may masasakit ang katawan sa taping.”

Angel-Locsin-in-a-dress

I t o ang k a swa l na kuwento sa amin ng isa sa mga handler ng artistang isa sa cast ng The General’s Daughter.

Nakatsikahan kasi namin ang nasabing handler at kinumus t a namin si Angel dahil nga malapit n a n g i k a s a l ang akt res , at nakangiting sabi nga na oil-bularyo ang tawag ng lahat sa bida ng serye.

“Gumagawa siya ng oil para sa may masakit ang ulo. Masakit ang katawan sa set, binibigyan niya, hindi niya ibinebenta. Nakakatuwa nga kasi nawawala naman talaga ‘yung mga sakit-sakit.

“Tapos ang dami laging pumupunta sa tent (standby area) niya, kasi ang bango-bango, dahil nga sa oils,” nakangiting tsika pa.

Marahil ito ang past time ng aktres kapag hindi siya ang kinukunan sa taping, o kaya pampatanggal ng stress niya, dahil madugo naman talaga ang tapings ng The General’s Daughter. Iba-iba rin kasi ang location ng serye, na meron sa Batangas, Tanay at Antipolo.

Kumusta naman si Angel sa lahat?

“Totoo pala ‘yung nababalitaan natin na mabait si Angel. Oo, lahat binabati niya, hanggang sa utility. Generous pa.”

Tinanong din namin kung dumadalaw sa set ang husband-to-be ni Angel na si Neil Arce. “Isang beses lang, nu’ng sinorpresa niya si Angel kasi birthday niya (April) ‘yun lang,” say sa amin.

Alam din naman kasi ni Neil ang protocol na kapag oras ng trabaho a y h i n d i puwedeng gambalain a n g karelasyon, at gayundin naman ang binata kapag abala siya sa shooting ng pelikulang pino-produce niya ay hindi rin siya iniistorbo ni Angel.

Masaya raw sa set ng The General’s Daughter kahit na mahirap, dahil ang ganda ng samahan ng bawat isa.

Nang ibalita naming hanggang Setyembre na lang ang TGD, ay nagulat ang kausap namin.

“Totoo ba? Baka naman ma-extend pa,” balik-tanong sa amin.

Sabagay kahit na sinabi sa amin ng aktres na hanggang Setyembre na lang ang serye nila ay posibleng ma-extend ito, lalo at mataas ang ratings at ayaw pa itong patapusin ng manonood. Ala- FPJ’s Ang Probinsyano ang peg, di ba?

E, sana pumayag ang aktres dahil nga may nakatakda siyang pelikulang gagawin.

-REGGEE BONOAN