Alden at Maine, forever thankful sa AlDub Nation

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

PAREHONG nag-post ang bumubuo sa Phenomenal Love Team na sina Alden Richards at Maine Mendoza ng pagbati sa AlDub Nation (ADN), o ang mga fans nila, nang mag-celebrate ito ng 4th anniversary last Tuesday, July 16.

Maine at Alden

Matatandaan na nabuo ang AlDub love team—mula sa pangalan ni Alden at sa karakter ni Maine na si Yaya Dub—noong magkita at magsama na sila later sa kalyeserye ng longest-running noontime show na Eat Bulaga, noong July 16, 2015.

Ngayon, kahit matagal-tagal na silang walang project together maliban sa araw-araw silang napapanood sa EB, buo pa rin ang mga fans nila, here and abroad.

Yes, may mga bumitiw na rin, pero malamang pa rin ang sumusuporta sa kanila, mapa-solo project man, gayundin sa kani-kanilang endorsements.

Last Tuesday, nagdaos pa ng Holy Mass para kina Alden at Maine, at sa AlDub Nation na rin.

Post ni Maine: “Happy 4th anniversary, AlDub! Maraming salamat sa lahat ng tunay na nagmamahal at sumusuporta hanggang ngayon! Salamat sa lahat ng naging parte ng AlDub Nation sa loob ng apat na taon.”

Post naman ni Alden: “To all solid ALDUBNations out there, maraming salamat sa 4 na solid na taon ng suporta at pagmamahal sa amin. More anniversaries pa ang pagdadaanan nating lahat. Maraming salamat sa INYO! #ALDUB4YearsUnrivaled.”

Nag-post para sa AlDub anniversary ang Kapuso broadcast journalist na si Tina Panganiban Perez, na forever ding love ang AlDub: “Happy #ALDUB4YearsUnrivaled! Pasensiya na. Busy lang sa trabaho. Naambunan pa sa sa shoot kanina. Huli man daw at magaling, abot pa rin, ‘di ba?”

Umani ng libu-libong retweets at likes ang post nilang tatlo.

Samantala, magiging busy na si Maine sa pagsu-shooting ng dalawang movies na gagawin niya before the year ends. Ang isa ay with Carlo Aquino for Blacksheep Productions, under Star Cinema; at ang Mission Unstapabol: The Don Identity na entry ng APT Entertainment, Inc. at M-Zet Production nila ni Vic Sotto, for 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December.

Patuloy naman sa pagpo-promote si Alden ng movie nila ni Kathryn Bernardo, ang Hello, Love, Goodbye, for Star Cinema. Mapapanood na ito simula sa July 31, in cinemas nationwide.

Very soon ay magsisimula na ring mag-taping si Alden ng kanyang bagong teleserye sa GMA Network.

-NORA V. CALDERON