Himutok ng fans: May favoritism sila

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAKATSIKAHAN namin ang isa sa mga lider ng fans club ng kilalang personalidad at inaming masama ang loob nila dahil hindi nanalo ang idolo nila gayung napansin naman daw ng ibang award giving bodies ang galing nito sa pag-arte sa pelikulang malaki ang kinita.

Binanggit sa amin kung anong award giving body ito at kaagad naming ikinatwiran na kanya-kanyang choice ‘yan ng bawat botante.

Base sa pagkakakilala namin sa mga miyembro ay fair and square sila, hindi rin naman siguro nila isasama sa finalist kung hindi sila nagalingan dahil may ilang artista rin kaming kilala sa kaparehong kategorya ang hindi nanalo na sa paniniwala rin namin ay mas mahusay kaysa sa nanalo.

Ang terminong ginamit ng isa sa lider ng fans club ng kilalang personalidad, “may favoritism sila.”

Parang imposible naman dahil sa totoo lang ang mga miyembro ng award giving body na ito ay hindi nga close sa ipinanalo nila. Anong favoritism doon?

-Reggee Bonoan