Tiauson, kampeon sa Balinas Cup

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

CABUYAO, Laguna — Nanaig si Recarte Tiauson sa ilang country’s top woodpushers para magkampeon sa katatapos na 8th leg National Executive Chess Championship na tinampukang 2019 Grandmaster Rosendo Balinas Sr. Chess Cup na ginanap dito sa Activity Area, Centro Mall, Cabuyao City, Laguna.

TANGAN nina (mula sa kaliwa) Victor Anas (2nd place), Philippine Executive Chess Association president Dr. Jenny Mayor, Recarte Tiauson (champion) at tournament director Dr. Alfred Paez ang mga medlaya at sertipiko sa awarding ceremony ng 2019 Grandmaster Rosendo Balinas Sr. Chess Cup.

TANGAN nina (mula sa kaliwa) Victor Anas (2nd place), Philippine Executive Chess Association president Dr. Jenny Mayor, Recarte Tiauson (champion) at tournament director Dr. Alfred Paez ang mga medlaya at sertipiko sa awarding ceremony ng 2019 Grandmaster Rosendo Balinas Sr. Chess Cup.

Ginapi niya sina International Master Petronio Roca sa fourth nakalusot kay National Master Carlo Lorena sa fifth bago makipaghatian ng puntos kontra kay United States Master Arjoe Loanzon sa sixth at final round para tumapos ng 5.5 points at makopo ang rapid crown plus ang top purse P12,000 at ng elegant trophy.

Tumapos naman si Victor Anas ng solo second na may 5 points sapat para tangapin ang P8,000 plus trophy.

Ang mga nakapasok sa top 10-circle ay sina 8th place Angel Tambong Jr. (4 pts.), 9th place Roberto Manguiob (4 pts.) at 10th place Dandel Fernandez (4 pts.).

Ang mga itinanghal na category winners ay sina Marcelo (Top 1999), Manguiob (Top Senior), Leonard Raymond Reyes (Top New Comer), engr. Bren Sasot (Top 1899), Gregorio Artieda (Top Unrated), Edwin Sison (Top 1799) at Susan Grace Neri (Top Lady).

Mismong sina Philippine Executive Chess Association president Dr. Jenny Mayor at tournament director Dr. Alfred Paez ang nanguna sa closing rites sa one-day event na suportado ng City Government ng Cabuyao sa gabay ni Mayor Atty. Rommel “Mel” A. Gecolea, engineer Antonio “Tony” Carreon Balinas, JAMlink Travel & Tours, Jolly Smile Dental Clinic at ng Bread & Bachoy.