PetroGazz, nanaig sa Creamline

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

GINITLA ng PetroGazz, sa pangunguna nina imports Wilma Salas at Janisa Johnson,a ng Creamline, 15-25, 25-22, 25-22, 25-12, nitong Sabado para maipuwersa ang winer-take-all Game 3 sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference Finals sa Arena sa San Juan City.

NAGDIWANG ang mga players ng PetroGazz matapos makapuwersa ng do-or-die

NAGDIWANG ang mga players ng PetroGazz matapos makapuwersa ng do-or-die

Mula sa malamyang kampanya sa Game 1, ratsada ang Best Foreign Guest Player na si Salas at American hitter na si Johnson para sandigan ang Angels at maitabla ang serye.

Nakatakda ang Game 3 Linggop ng hapon sa Ynares Sports Center.

Kaagad na humataw ang dalawa para maisalba ang laro at mapantayan ang opensa ng karibal. Kapwa umiskor ang dalawa ng tig 23 puntos.

“Talagang mas nangibabaw lang talaga yung desire ng team namin ngayon compared with Creamline kasi kung gusto nila tapusin dapat tinapos na but in the end, the players talaga wanted to extend this series,” pahayag ni PetroGazz Arnold Laniog.

Nag-ambag sina Jonah Sabete na may siyam na puntos at Jeanette Panaga na may walong puntos. Kumana si setter Djanel Cheng ng 28 excellent sets, habang si libero Cienne Cruz ay kumana ng 5 digs at 13 excellent receptions.

Kumana si conference MVP Alyssa Valdez ng 17 puntos at 12 digs sa Creamline.