TRAIN 2, lulusot na sa 18th Congress?

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Inaasahang ipapasa ng Kongreso sa 18th Congress ang ikalawang tax reform package na inaasintang gawing “globally competitive investment hub” ang bansa sa pagkakaloob ng magagandang insentibo sa investors.

SKYWAY 3 SOON Tinatapos ang Metro Manila Skyway Stage 3 project, na mag-uugnay sa Buendia, Makati City sa Balintawak, Quezon City, na inaasahang magbubukas na sa mga motorista ngayong Hulyo. (ALI VICOY)

SKYWAY 3 SOON Tinatapos ang Metro Manila Skyway Stage 3 project, na mag-uugnay sa Buendia, Makati City sa Balintawak, Quezon City, na inaasahang magbubukas na sa mga motorista ngayong Hulyo. (ALI VICOY)

Ayon kay Albay Re. Joey Salceda, layunin ng inakda niyang Tax Reform for Attracting Better and High Quality Opportunities or TRABAHO bill (House Bill 313) na ibaba sa 20% ang kasalukuyang 30% buwis sa corporate income para makaengganyo pa ng investments, na lilikha ng maraming trabaho.

Titiyakin din ng panukala ang patas na financial incentives, at tama at mas mabisang pangangasiwa sa corporate taxes.

Tinatawag din ang panukala na TRAIN 2, kasunod ng naisabatas nang Tax Reform for Acceleration and Inclusion, o TRAIN, na naging epektibo Enero 1 ngayong taon.

Ang TRABAHO ay itinuturing na pinakamagandang sistema ng tax incentives sa buong Asia at inaasahang pabibilisin ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa, kasama na ang mabilis na paglago ng gross domestic product (GDP), malalaking imprastruktura para sa Build, Build, Build program, at masisiglang manggagawa, ayon pa kay Salceda.

Alinsunod sa TRABAHO Bill, babawasan ng 2% kada dalawang taon ang kasalukuyang 30% CIT mula 2021 hanggang 2029, hanggang bumaba ito sa 20%; at ilibre sa income tax ang SSS, GSIS, at PhilHealth.