Obrero, nahati sa steel pulley

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Nahati ang katawan ng isang steel worker matapos siyang mabagsakan ng steel pulley, na may kargang cement bucket, habang namumulot ng mga bakal sa isang construction site sa Sampaloc, Maynila, ngayong Linggo ng umaga.

FREAK ACCIDENT Buhat ng mga empleyado ng punerarya ang labi ni Marcos John Eric Ludor na namatay nang mabagsakan ng steel pulley e mula sa ika-29 na palapag ng ginagawang gusali sa kanto ng Piy Margal Dos Castillos sa Sampaloc, Maynila, ngayong Linggo ng umaga. (ALI VICOY)

Kaagad na binawian ng buhay si Marcos John Eric Ludor, 23, ng Don Jose Street, Barangay Sto. Domingo, Quezon City matapos ang insidente.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 11:00 ng umaga nang mangyari ang freak accident sa construction site sa panulukan ng Dos Castillas at P. Margal Streets sa Sampaloc.

Nauna rito, ino-operate ni Merlin Mahinay, 28, ang tower crane na may dalang cement bucket at nasa itaas ng may 30-palapag na gusali ng University Home Building, nang bigla na lang umanong maputol ang steel pulley nito.

Bumagsak ang steel pulley at tumama kay Ludor, na noon ay namumulot ng bakal.

-Mary Ann Santiago