Nanloob sa 9 na public schools, may 3 arrest warrants

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Nagbigay-daan ang pagkakadakma sa notorious na magnanakaw na nanloob sa siyam na public schools Oriental Mindoro para lumutang ang mga arrest warrant laban sa suspek sa kaparehong kaso ng robbery.

Ayon kay Lt. Col. Jaycees Tolentino, deputy provincial director ng Oriental Mindoro, may tatlong arrest warrants ang nakasilbi laban kay Christopher Saurin para sa magkakatulad na kaso—panloloob sa mga public schools at pananakaw ng mga school items tulad ng computer, at television sets.

“The warrants are from a court in Iloilo, a court from Antique and a court from Iloilo City. All of them are robbery cases,” saad ni Tolentino.

“There could be more, we are still verifying other arrest warrants from various police stations in Western Visayas against him,”dagdag pa niya.

Naaresto si Saurin sa bayan ng Roxas matapos akusahang responsible sa serye ng nakawan na tumarget sa siyam na paaralan sa apat na bayan ng Oriental Mindoro. Nakuha sa kanya ang ilang television sets, printer at iba pang school materials.

Nahuli naman sa follow-up operation sa Kalibo, Aklan ang kasabwat nitong si Larry dela Vega. Habang ang ikatlong miyembro na si Joemar dela Rama ay patuloy na tinutugis.

Sa background checking, hinihinalang si Saurin din ang suspek sa halos 22 public schools sa Iloilo, Aklan at Antique. Ayon kay Tolentino, no. 6th si Saurin sa listahan ng most wanted criminals sa San Joaquin, Iloilo.

Napaulat na nag-recruit ng dalawang tao mula Aklan ang suspek na nagpapanggap na mga sales agents sa maniniktik ng mga paaralang kanilang target.

Mula sa direct selling ng kanilang mga nakukuhang gamit, lumipat na sa online selling si Saurin para ibenta ang kanilang mga nananakaw na items.

-Aaron Recuenco