Georgia, inulan ng pera

Filed under Balitang Weirdo Balita RSS RSS Feed

Binalaan ng mga pulis sa Georgia ang mga saksing nanguha ng lumilipad na pera, mula sa likod ng isang armored truck sa highway, at maaaring maharap sa iba’t ibang uri ng kaso kung hindi isasauli ang kinuhang pera, ulat ng United Press International.

Nakunan ng video ng mga nakasaksi kamakailan, ang isang armored truck sa Interstate 285 malapit sa Ashford Dunwoody Road, Atlanta habang umaandar na bukas ang side door ng sasakyan dahilan upang magliparan ang mga pera.

Sa videos, makikita ang mga sasakyan na nakahinto upang pulutin ang mga perang papel na nalaglag mula sa sasakyan.

Nanawagan naman ang Dunwoody police na isauli ang mga perang nakalap sa nangyaring “isolated cash storm.”

Hindi pa rin malinaw ang eksaktong halaga ng perang nawala, ayon sa departamento.