5 patay, 2 sugatan sa banggaan ng SUV, tricycle

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Limang katao ang nasawi habang dalawa pa ang sugatan, kabilang ang isang bata, matapos salpukin ng isang SUV ang tricycle sa sa Barangay Kilada,Matalam,North Cotabato nitong Sabado.

SUV, TRIKE

Kinilala ng Matalam Municipal Police Station (MMPS) ang dalawa sa limang namatay na biktima na sina na sina Amil Mamadra, drayber ng tricycle at Pai Mamadra, pasahero. Habang hindi pa nakikilala ang tatlo pang nasawi.

Sugatan naman si Nasser Raker, at ang isang 9-anyos na bata na sakay ng tricycle.

Ayon sa imbestigasyon, nasa magkabilaang lane ang dalawang sasakyan nang pumutok ang unahang gulong ng SUV, dahil dito nawalan ng kontrol ang driver ng SUV at sumalpok sa kasalubong na tricycle.

Sa lakas ng pagkakabangga nagkayupi-yupi ang tricycle at tumilapon ang mga sakay nito.

Nasa kustodiya na ng Matalam Police ang driver ng SUV habang naghihintay ang mga awtoridad na magsampa ng kaso ang mga pamilya ng mga biktima.

-Fer Taboy