Superbook is super back!

Filed under Features Balita RSS RSS Feed

Na-miss mo ba ang panonood ng Superbook tuwing Linggo ng umaga?

batang superbook

Kung oo ay makikita mo na ulit sina Joy, Chris at Gizmo dahil magbabalik na ulit ang Superbook sa TV! Makasasama ka na ulit sa mga time travel adventures nila at sa pagtuklas ng mga bagong aral na napupulot nila sa paglalakbay.

Maraming bagong episodes na aabangan na siguradong magugustuhan ng mga bata o kahit sino pa na interesado, ano man ang edad mo.

Ayon din kay Icko Gonzales, ang Superbook Project Head, na sa panahon ngayon na madalas ang mga bata ay laging nasa harap ng mga gadgets at may access sa iba’t ibang content sa internet at social media ay gusto nila na ipaalam sa mga magulang na ang Superbook ay isang mabuting impluwensiya sa kanilang mga anak at mapagkakatiwalaan nila ito.

Sa bawat episode na puno ng adventures na nakaugnay sa karaniwang problema o pinagdadaanan ng mga bata ay hindi lang sila basta pinapangaralan ng palabas kundi ibinabalik din sa nakaraan upang matutunan ang naging buhay ni Hesus.

Nagdagdag rin sila ng anim pang episodes maliban sa unang pitong ipinalabas noong nakaraang taon. Ang mga ito ay nakabatay pa rin sa buhay ni Hesus at sa mga karakter sa Bibliya na siguradong kapupulutan ng aral tulad ng mga kuwentong “Jesus Feeds the Hungry” at “Paul & Barnabas”.

Ang Season 4 ng Superbook ay magbabalik sa ABS-CBN simula ngayong Linggo, July 14, 9:15 ng umaga. Maaari mo rin silang makita sa kanilang facebook account, www.facebook.com/BatangSuperbook.

-Angelli Catan