Neil, hinika sa kaba bago mag-propose kay Angel

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

“MALAMIG!”

Angel at Neil

Ito ang kaswal na sagot sa amin ni Neil Arce nang tanungin namin kung bakit Nobyembre ang napili nilang buwan ng pagpapakasal ng fiancée niyang si Angel Locsin.

Pero kaagad nilinaw ng producer ng I’m Ellenya L na sa 2020 pa ang kasal nila, at hindi ngayong 2019.

S a p a s u n d u t – sundot na tanong namin sa fiancé ni Angel sa #PPP2019GrandLaunch na ginanap sa Sequoia Hotel, nalaman naming hindi pa kumpleto ang wedding details nila, kaya hindi pa sila makapag-annouce o nakikipag-usap sa media.

“Wala pa kasi, wala kaming sasabihin pa, wait mo na lang,” nakangiting sabi ng binata.

Sabi pa, “Si Dimples (Romana) ang spokesperson namin, siya na lang ang tanungin mo.”

Sinabi naming kay Neil na sinabi sa amin ni Dimples na sila ni Angel ang magsasalita tungkol sa wedding, dahil ayaw daw pangunahan ng Kadenang Ginto star ang mismong mga ikakasal.

“Saka na. Saka nakakahiya sa FDCP (Film Development Council of the Philippines), presscon nila ito,” mabilis na sagot ni Mr. Arce.

Isa si Neil sa producer (N2), kasama ng Spring Films, ng pelikulang I’m Ellenya L, na pagbibidahan nina Iñigo Pascual at Maris Racal, sa direksiyon ni Boy 2 Quizon. Kabilang ito sa mga mapapanood sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino sa Setyembre 12-19, sa buong Metro Manila.

Going back sa wedding proposal ni Neil kay Angel, inamin ng binata na talagang abut-abot ang kaba niya kung paano ang gagawin niya. Literal din daw na hinika siya, dahil mayroon talaga siya nun.

Nalaman naman namin mismo kay Angel na Nobyembre ang big day nila, nang sagutin niya kami ng “earliest November 2020” nang tanungin naming kung kailan sila ikakasal.

May mga itinatanong pa kami kay Neil, pero sinabihan na lang niya kami, “Text mo na lang si Angel.”

-REGGEE BONOAN