Kasalang Luis-Jessy, mas inaabangan ngayon

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

BIG event para kina Luis Manzano at Jessy Mendiola na i-celebrate ang kanilang 3rd anniversary as a couple, at naikuwento nila ito sa guesting nila kamakailan sa Magandang Buhay ng ABS-CBN.

Jessy at Luis

Sa tono ng pananalita ni Jessy, her boyfriend seems everything to her.

Sinabi naman ni Luis na Jessy is a very strong woman, na mahal na mahal niya.

Bumati pa nga sa kanila ang mommy ni Luis na si Batangas Rep. Vilma Santos-Recto.

“Happy third anniversary and thank you for making Lucky happy,” mensahe ng Star for All Seasons kay Jessy.

Sa more than an hour of tsikahan at pagbabalik-tanaw sa tatlong taong relasyon nina Luis at Jessy, wala man lang nabanggit kung may plano na ba o kailan magpapakasal ang dalawa.

Many feel na it’s about time, dahil nearing 40 years old na si Luis.

Meanwhile, ang may kasiguraduhan na ang pagpapakasal ay si Angel Locsin, na engaged na last month sa film producer na si Neil Arce.

Si Angel ay ex-girlfriend ni Luis.

Every woman has a dream wedding. Ang tanong, hindi kaya naiinggit si Jessy na naunahan pa sila ni Angel na magpakasal?For now, congratulations kina Angel at Neil!

-REMY UMEREZ