Julie Anne, challenge accepted sa bagong concert

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

YES, madlang pipol, bibigyang-tribute ni Julie Anne San Jose and kanyang favorite music icons sa one-night concert niyang Julie Sings the Divas.

Wala na talagang makapipigil pa sa Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne sa muling pagpapasiklab sa concert stage via Julie Sings the Divas sa The Theatre at Solaire Resort and Casino on July 20.

Mga birit songs naman ang kakantahin ni Julie Anne, bilang tribute niya sa mga music icons na sina Celine Dion, Mariah Carey, Whitney Houston, at Christina Aguilera.

“It’s gonna be a different one. I’ve never done anything like this before [sa mga past concerts ko]. Kasi usually mga pop, mga ballad, mga RnB ‘yung mga kinakanta ko,” pag-amin ni Julie Anne.

“Kasi, as much as possible I really want to challenge myself with another genre, which is the birit songs, kasi it’s not my usual cup of tea.”

Kaya naman, todo-abang na ang kanyang fans sa one-night concert ng kanilang idolo, sa true lang.

Para sa tickets, tawagan ang Ticket World sa 891-9999.

-MERCY LEJARDE