Enderr, asam makalaro sa StarCraft ll World tilt

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

KONTING kembot na lang si Caviar Napoleon “Enderr” Acampado para malalaro sa pamosong Starcraft ll Fall World Championship Series (WCS) sa Montreal, Canada.

Ipinagmamalaki ng Team Liyab, ang professional esports team ng tambalang Globe at Mineski, naitala ni Enderr ang impresibong panalo sa group stage ng Oceania-Southeast Asia Qualifiers ng pinakamalaking StarCraft ll event sa mundo.

“Being able to get in the group stage of the Oceania-SEA qualifier is a great confidence booster for me heading to the 2019 World Electronic Sports Games (WESG) and the 2019 Southeast Asian Games, especially if I can make it to the WCS main event in Montreal, Canada,” pahayag ni Enderr.

Tangan ang seed No.5, nakakuha ng bye si Enderr sa first round bago nakaharap si Lobo sa best-of-three encounter. Binokya ng Pinoy Zerg standout si Lobo, 2-0, para makausad sa third round. Sa sumunod na laban, ginapi niya si Pezzapery, 2-1, para maisaayos ang Final 4 duel kontra Demi12. Makakamit ni Enderr ang awtomatikong slot sa Montreal WCS Finals kung makakalusot sa laban.

“We are continuously supporting Enderr as he takes another step towards the international stages of StarCraft ll. With consistent training, focus and determination, Enderr has shown that the Philippines can once again shine in global tournaments of professional esports,” pahayag ni Brian “Neme” Victa, assistant General Manager ng Liyab Esports.

Ang StarCraft ll World Championship Series (WCS) ay StarCraft ll professional tournament na inorganisa ng Blizzard Entertainment. Kombinasyon ito ng mataas na level ng professional StarCraft ll competition. Kabuuang US$100,000 ang premyo sa naturang torneo.

Para sa dagdag na detalye, makipag-ugnayan sa Globe Telecom o bisitahin ang www.globe.com.ph