Kris, may MMFF entry; ‘Miracle’, sali rin

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

PINANGALANAN na ang unang apat na kalahok sa 45th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Disyembre ngayong taon.Mula sa 26 scripts buhat sa 22 production companies, pinili ng mga miyembro ng Selection Committee, sa pangunguna ni National Artist Bienvenido Lumbera, ang Top 4 base sa mga sumusunod na criteria: artistic excellence, 40%, commercial appeal, 40%; Filipino cultural sensibility, 10%; at global appeal, 10%.

Kris

Ang unang apat na pelikula na napabilang sa walong official entries sa MMFF 2019 ay ang:

  1. (K)Ampon, na pinagbibidahan nina Derek Ramsay at Kris Aquino (Quantum Films);
  2. Miracle in Cell No. 7, starring Aga Muhlach at Nadine Lustre (ng Viva Communications, Inc.);
  3. Mission Unstapabol: The Don Identity, nina Vic Sotto at Maine Mendoza (APT Entertainment, Inc. at M-Zet Production); at
  4. Momalland, starring Vice Ganda at Anne Curtis (ABS-CBN Film Productions, Inc. at Viva Films)

Ang susunod na apat pang pelikula ay mula naman sa isusumiteng finished films, na ang deadline ay sa Setyembre 20.

Samantala ang scripts para sa short film category ay kailangang maisumite na sa Agosto 15.

-BELLA GAMOTEA