Karagdagang 100 aso para sa mga pinaigting na operasyon ng PDEA

Filed under Opinyon Balita RSS RSS Feed

PARA mapalakas pa ang nagpapatuloy na kampanya ng gobyerno kontra droga, nagdagdag nitong Miyerkules ng panibagong 100 K9 handlers at mga K9 dogs bilang mga bagong miyembro ng K9 interdiction unit.

Ayon kay PDEA Director General Aaron N. Aquino, ang pinagtambal na mga trainer at mga aso, na kabilang sa PDEA K9 Handlers’ Basic Course 2018-14 Class “Nagtalad”—na nangangahulugang “Nagsanib na Tao at Aso Laban sa Droga”—ay nagtapos sa Zemog K9 Training Center sa Sitio Puting Bato, Barangay Inarawan, Antipolo City sa Rizal.

Ang 100 bagong kasapi ng PDEA K9 handlers at ang kanilang mga partner na narcotic detection dogs (NDDs) ay sumailalim sa anim na buwan ng masinsinang pagsasanay para maihanda sila at makapagbigay ng suporta sa mga operasyon laban sa ilegal na droga, ayon kay Aquino.

Dagdag pa ng PDEA chief, ilan sa saklaw ng training ang pagpapamilyar sa mga aso sa pagtukoy sa mga illegal substance, pag-intindi sa ugali ng K9, pagpapaigting sa kahusayan ng mga aso, substance printing, pagtukoy sa mga indikasyon para mapabuti ang kakayahan ng mga aso na malaman ang iba’t ibang amoy ng mga ilegal na droga, at iba pa.

Sinabi ni Aquino na mapaiigting ng bagong man-dog teams ang kakayahang mag-monitor at masupil ang mga tangkang pagpupuslit ng droga sa mga paliparan at pantalan sa bansa, mabilisang pagsusuri sa mga bagahe, kargamento, at packages, pagmo-monitor sa mga okasyon, greyhound operations sa mga kulungan at mga katulad na pasilidad, at pagtukoy sa mga bagong psychoactive substances na talamak na ginagamit bilang party drugs.

Ayon pa kay Aquino, “These new K9 handlers and NDDs will be deployed to the different PDEA Regional Offices and Seaport Interdiction Units nationwide. Overall, PDEA K9 Unit has a total of 171 NDDs, while 37 retired hero dogs were adopted by their new families. Four NDDs were selected for the breeding program.”

Kinapon din ang mga bagong sanay na mga aso para hind magkaroon ng mga hindi kinakailangang pagpapalahi.

Ipinunto pa ni PDEA chief: “The superior sense of smell of dogs, which is a thousand times stronger than humans, makes them a valuable tool in the detection of concealed illegal drugs. The dog’s natural capability, when properly trained and assisted by their handlers, continues to be an invaluable asset in the ongoing war against illegal drugs.”

Nagpasalamat din siya sa congressional insertions sa budget noong 2018, dahil nakabili ang PDEA ng karagdagang 100 aso ngayong taon.

Sa ilalim ni Aquino bilang PDEA chief, naisakatuparan ang pinakamaraming procurement ng mga bagong NDDs, na pinakamalaking recruitment at single training course ng mga handler ng K9 sa kasaysayan ng ahensiya.

Ang PDEA K9 facility ay kasalukuyan ding nasa huling bahagi na ng pagsasaayos at rehabilitasyon, na ginastusan ng P21.3 milyon, at matatagpuan sa isang 5,000-metro kuwadradong lote sa San Jose Del Monte, Bulacan.

“Once the rehabilitation is completed, the K9 facility is envisioned to be the premiere hub for breeding and training of all drug-sniffing dogs and their handlers intended for drug law enforcement agencies in the Philippines,” ayon kay Aquino.

Noong Hulyo 2018, pinasinayaan ng PDEA ang Standard Operating Procedures on Management of the NDDs and Preventive Medicines Program para sa mga K9 upang maitatag at mapahusay ang pangangasiwa at pag-aalaga sa mga PDEA K9.

PNA