entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino, kumpleto na

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

PAGKATAPOS ihayag ang mga pelikulang kasama sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019, kinumpleto naman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang limang pelikulang kasama sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), na itinakda sa Setyembre 13-20.

Cast ng 'Cuddle Weather' at Liza Diño

Cast ng ‘Cuddle Weather’ at Liza Diño

Ang limang pelikula ay ang mga sumusunod:

  1. Ellenya L, nina Iñigo Pascual at Maris Racal, mula sa Spring Films at N2 Productions.
  2. Lola Igna, nina Yves Flores, Angie Ferro, at Merryl Soriano, mula sa Found Films.
  3. Watch Me Kill, nina Jean Garcia at Jay Manalo, sa direksiyon ni T.A Acierto.
  4. Open, nina Arci Muñoz at JC Santos, mula sa BlackSheep at TRex Productions
  5. G!, nina McCoy de Leon, Mark Oblea, Paulo Angeles, at Jameson Blake, ng Cineko Productions

Nauna nang inihayag ang tatlong pelikulang kalahok din sa 3rd PPP, ang Cuddle Weather nina Sue Ramirez at RK Bagatsing (Project 8 cor San Joaquin Projects); The Panti Sisters, nina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario, at Christian Bables (IdeaFirst Company); at LSS nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos (Globe Studios).

Inihayag ni FDCP Chairperson Liza Diño ang huling limang pelikulang kasali sa 3rd PPP sa #PPP2029GrandLaunch kahapon, sa Sequoia Hotel.

-REGGEE BONOAN