CBA Finals: SJ Knights-Exile vs Bicol Water Borne

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

MAITULOY kaya ng San Juan ang dominasyon sa amateur basketball sa Community Basketball Association (CBA) Pilipinas Cup?

IKINATUWA ni CBA founder Carlo Maceda (kanan) ang tagumpay nang natatanging community-based basketball league sa bansa, habang nakikinig sina (mula sa kaliwa) San Juan team governor Chris Conwi, asst. coach Yong Garcia, TOPS chief Ed Andaya at Jhonard Clarito.

IKINATUWA ni CBA founder Carlo Maceda (kanan) ang tagumpay nang natatanging community-based basketball league sa bansa, habang nakikinig sina (mula sa kaliwa) San Juan team governor Chris Conwi, asst. coach Yong Garcia, TOPS chief Ed Andaya at Jhonard Clarito.

Masusubok ang katatagan ng Knights – umaarya sa iba’t ibang collegiate-based league at sa MPBL ngayong taon – sa pakikipagtuos sa South champion Naga sa winner-take-all championship duel ng Founder’s Cup ng homegrown grassroots development league – sa Hulyo 15.

Sinabi ni CBA founding president Carlo Maceda ang duwelo ng Knights Exile at Water Borne ay inaasahang magbibigay ng katatagan sa pundasyon na itinatag niya sa pagbuo ng liga sa nakalipas na tatlong buwan.

“We expect a good fight between San Juan and Naga for the bragging rights to become the first-ever CBA national champion and the P1-million prize,” pahayag ni Maceda sa kanyang pagbisita sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

“This is the product of all the hard work of the CBA and the men and women behind it, as well as the team owners, coaches and players and their respective LGUS and sponsors,” sambit ni Maceda sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), National Press Club (NPC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), CBA at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

Ayon kay San Juan first assistant coach Yong Garcia, kumpiyansa ang Knights-Exile higit at tangan nila ang bentahe sa homecourt – San Juan Gym  – sa duwelo ganap na 5:00 ng hapon sa Lunes.

“In basketball, homecourt advantage is a big factor. Iba yung maglalaro ka sa harap ng mga fans at taga-suporta mo,” pahayag ni Garcia, kinatawan ni head coach Randy Alcantara sa forum na naipalalabas ng live sa Facebook via Glitter Livestream.

Ngunit, kailangan ng Knights na maging handa sa karibal na lubehang estranghero para sa kanila.

“I’m sure they have already scouted our team and they know most of our players. Pero sila hindi namin kabisado,” pahayag ni Garcia, head coach ng Marinerong Pilipino sa PBA D-League.

Iginiit naman ni San Juan team governor Chris Conwi na handa ang San Juan at kumpiyansang hindi ito mapapahiya sa harap ng home crowd.

“We’re not taking any chances. We’re bringing back at least five players from our San Juan team which topped the recent MPBL Cup,” pahayag ni Conwi, dumalo rin sa forum kasama ang San Juan main man Jhonard Clarito.

“Since the MBA days, San Juan has maintained a positive image in basketball. Laging nananalo. We did it in the MPBL. We’ll try to do it again in the CBA,” aniya.

Nagbigay naman ng kasiguruhan si Clarito, naglalaro rin sa De Ocampo Memorial Colleges sa NAASACU, na ibibigay ang lahat ng kakayahan para s abagong kampeonato ng San Juan.

“Sisikapin namin na mag-champion uli. Matagal na din naman ang pinag-samahan ng team at tiwala kami sa coaching staff,” pahayag ni Clarito, nagpahayag ng kahandaan sa kanyang pagsampa sa PBA Rookie Draft sa susunod na taon.