Bela, ‘di affected kina Neil at Angel: I’m happy for them

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ANG sagot ni Bela Padilla na, “Why would you assume that I’m affected? I’m happy for them” sa nagtanong sa kanya ng, “How’s your heart knowing that your ex is already engaged?”

Bela

Ang tinutukoy na ex ng netizen ay si Neil Arce na fiance ni Angel Locsin na matagal naging karelasyon ni Bela. Pero matagal na silang break at naging sina Neil at Angel nang tapos ang relasyon nina Bela at Neil.

Kaya tama ang sagot ni Bela na bakit siya maaapektuhan?

Siguro naman friends pa rin sila ni Neil at katunayan, hindi dine-delete ni Neil ang behind-the-scenesng movies na ginawa ni Bela sa film outfit niya. Naging isyu ito sa netizens at hinamon nila si Neil na kung talagang mahal niya si Angel, buburahin niya ang photos ni Bela sa social media account niya, pero hindi nito ginawa.

Saka, busy si Bela sa maraming projects at isa rito ang pelikulang Mañanita sa direksyon ni Paul Soriano. May mga pelikula pang gagawin si Bela sa Viva Films, wala siyang time magpaka-brokenhearted.

-NITZ MIRALLES