Usapang CBA sa TOPS

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

USAPIN sa basketball ang isyu na tatalakayin sa “Usapang Sports”ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Magbibigay ng kanilang pananaw hingil sa minimithinbg tagumpay ang San Juan Knights at Naga Waterborne – magtutuos sa Community Basketball Association (CBA) National title at sa naghihintay na premyong P1 milyon sa natatanging community-based cage meet.

Magpapahayag ng kanilang saloobin ang mga coach at players ng magkabilang kampon sa lingguhang sports forum ganap na 10:00 ng umaga at itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, Philippine Amusement and Gaming Corp[oration (PAGCOR), CBA at HG Guyabano Tea Leaf Drinks ni Mike Atayde.

Makakasama nila ang acor-director na si Carlo Maceda, founder ng CBA, gayundin ang mga opisyal ng iba’t ibang koponan na sasabak sa ilalargang 18-under tournament.

Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang mga miyembro at opisyal, gayundin ang mga sports fans na dumalo at makiisa sa huntahan sa forum na mapapanood din ng live sa Facebook via Glitter Livestream.