P10,000, idadagdag sa teachers’ salary

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Lalo pang gaganahan sa pagtatrabaho ang mga pampublikong guro sa Pilipinas dahil sa posibilidad na maitaas ang kanilang suweldo sa susunod na mga buwan.

TAAS-SAHOD

Kahapon, siniguro ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na kaagad na gugulong ang mga panukalang dagdagan ang sahod ng mga pampublikong guro.
“This is a popular proposal and one of the long-delayed promises of many senators. As your Majority Floor Leader, I guarantee we will take it up as priority measure for the first few months of this
Congress,”  sabi nito.

Aabot sa P10,000 dagdag-sahod para sa mga pampublikong guro at mga non-teaching personnel na ibabahagi sa tatlong taon.
Dagdag na P4,000 sa unang taon, P3,000 sa ikalawang taon at P3,000 pa rin sa ikatlong ikatlong taon na may kabuuang P10,000, ayon sa senador.

Sa ngayon, nakatatanggap ng P20,754  buwanag sahod ang Teacher 1  na may Salary Grade 11, habang ang non-teaching personnel naman ay P11,068 bawat buwan.
“Masyadong maliit ang sahod nila kumpara sa laki ng mga responsibilidad nila sa mga mag-aaral. Apart from this salary increase, I also propose to provide medical allowance, magna carta bonus, and support in the form of additional allowances and remuneration,” aniya.

Kaugnay nito, ipinanukala naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na gawing P10,000 ang chalk allowance o itaas ng 300%.

-Leonel M. Abasola