Metro Shake Drill: Hulyo 27

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Yes, this one is just a drill—a shake drill.

(kuha ni Czar Dancel)

(kuha ni Czar Dancel)

Itinakda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 5th Metro Manila Shake Drill sa Hulyo 27, araw ng Sabado—at gagawin sa madaling araw.

Sinabi ni Jojo Garcia, MMDA general manager, na magsasama-sama ang mga kawani ng ahensiya, mga local government units (LGUs), iba’t ibang government agencies, volunteer organizations, at ibang stakeholders sa pagpapatupad ng kani-kanilang contingency plans sakaling tumama ang malakas na lindol sa Metro Manila.

“We want to test the response capabilities and preparedness of LGUs and the private sector as earthquake may occur anytime,” ani Garcia, sa news briefing na idinaos sa MMDA headquarters ngayong Huwebes.

Ayon pa kay Garcia, ang shake drills sa nakalipas na taon ay isinagawa sa araw at rush hour, gaya noong 2018, hanggang sa magpatupad ng sorpresang rush hour daytime drill.

“For this year, it will be done on a weekend and at almost the break of dawn when most Metro Manila residents are at home and asleep,” sabi ni Garcia.

Ang shake drill ay magsisimula nang mas maaga sa 4:00 ng umaga, sa silbato ng pagtunog ng alarma.

“We are doing this to prepare everyone to minimize damage and loss of life,” paliwanag ng opisyal.

Sa araw ng drill, bibisitahin ni MMDA Chairman Danilo Lim, pinuno rin ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC), ang mga city hall at designated emergency operation centers sa MetroManila.

Sa gitna ng drill, magpa-practice ang MMDA ng deployment ng mga tauhan nito sa itinakdang emergency operation centers, na nasa apat na quadrants sa Metro Manila.

Sa hilagang quadrant, gagamitin ang Veterans Memorial Medical Center golf course sa Quezon City bilang evacuation camp, habang ang kanlurang quadrant naman ang Intramuros golf course sa Maynila.

Samantalang, ang east quadrant ay sa LRT-2 Santolan Depot sa Pasig City, habang ang katimugang quadrant naman ang Villamor golf course sa Pasay City.

-Bella Gamotea