Hashtag member, naunahan sa panliligaw

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MATAGAL nang crush ng Hashtag member ang kilalang aktres pero hindi niya magawang ligawan dahil nga may boyfriend ito noon kaya hanggang tingin na lang siya.

Ang saya-saya ni Hashtag member kapag nagkakasabay sila ng TV guestings ng kilalang aktres dahil pareho silang may pino-promote at nagkasya na lang siya sa ganu’ng eksena na maski sandali ay nakakasama niya ang dalaga.

Heto na, nakipaghiwalay na si kilalang aktres sa boyfriend niya at kumislap ang mga mata ni Hashtag member at plano na niyang ligawan, kaso naging busy siya sa rami ng projects. Katuwiran niya ay hindi naman daw niya minamadali ang panliligaw lalo’t seryoso naman ang hangarin niya sa dalaga.

Sa sobrang kabagalan ni Hashtag member, ay naunahan na siya dahil may bagong boyfriend na uli si kilalang aktres. Ikinagulat niya ito dahil ang bilis naman daw kaagad makahanap ng dalaga.

Oh well, sadyang mabagal lang talaga si Hashtag member sa panliligaw kaya napag-iiwanan na siya ng mga kasama sa grupo.

Pero napansin na rin ni kilalang aktres na crush siya ni Hashtag member noong nagkakasama sila sa mga guesting at sa ilang events na nakita naming sila ang magkasama.

‘Yun lang, hindi kasi nag-effort ang binata, alangan naman ang dalaga pa ang magbigay ng motibo?

E, hayaan na, hintayin na lang ulit ni Hashtag member na maghiwalay sina kilalang aktres at ang boyfriend niyang bago ngayon.

Sa totoo lang, bagay din sana sina Hashtag member at kilalang aktres, may chemistry sila at magkakatulungan pa sila sa kanilang respective careers.

-Reggee Bonoan