Bus nagliyab sa EDSA, 2 nasaktan

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Dalawang katao ang nasaktan nang biglang magliyab ang isang bus habang bumibiyahe sa EDSA-Bagong Barrio sa Caloocan City, ngayong Huwebes ng hapon.

Sinabi ni Supt. Stephen Requina, city fire marshal, sa BALITA na nagtamo si Marcyden Resuello, 24, ng laceration sa kanyang kanang siko at kanang binti, habang kumikiriot naman ang kaliwanag bahagi ng puwitan ni Kristine Joy Marfil, 18 anyos.

Ayon kay Requina, hindi na matagpuan sa ngayon ang driver at konduktor ng AC Trans bus (TXY-780) matapos ang insidente.

Batay sa paunang imbestigasyon, nagliyab ang bus dakong 2:20 ng hapon sa southbound lane ng EDSA sa Barangay 95, Caloocan City. Naapula ang sunog bandang 2:40 ng hapon.

Natukoy sa imbestigasyon na nagsimula ang pagliliyab sa unahang bahagi ng bus.

Nasa P1 milyon naman ang tinatayang pinsala sa insidente.

-Joseph Almer B. Pedrajas